Lolong obrero timbog sa P367K shabu
MANILA, Philippines — Sa kulungan bumagsak ang isang 63-taong gulang na construction worker at isa niyang kasabwat makaraang matimbog sila ng mga tauhan ng Makati City Police sa isang buy-bust operation nitong Sabado ng gabi. Itinago ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga suspek na si alyas “Lolo Tarik”, at si alyas “Ato”, 22-taong gulang.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12 ng hatinggabi nang magkasa ng operasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at West Rembo Substation sa may Brgy. Cembo, target ang isang drug pusher na isinuplong sa kanila na lantaran ang pagtitinda ng iligal na droga.
Kumagat sa pain ng mga pulis ang mga suspek nang pagbilhan nila ang isang poseur buyer ng shabu sa halagang P500. Dito na sila pinaligiran ng mga pulis at pinosasan. Nakumpiska sa dalawang suspek ang nasa 54 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P367,000 na nakalagay sa isang “knot-tied plastic” at pitong plastic sachets.
Nakaditine ang mga suspek sa Makati City Police Station Custodial Jail at nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerours Drugs Act of 2002.
- Latest