^

Metro

Pasahe sa ‘tri-wheels’ sa Maynila, ire-regulate

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pasahe sa âtri-wheelsâ sa Maynila, ire-regulate
Sa ikalawang pagbasa nitong Hulyo 4 ng c8391 ni 1st District Councilor Jesus Fajardo, Jr., Chairman ng Committee on Transportation, nadiskubre na walang standard na halaga ng pamasahe ang mga bumibiyaheng tri-wheels sa lungsod.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nakatakdang i-re­gulate na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pamasahe ng mga pampasaherong “tri-wheels” sa inaasahang pagpasa ng ordinansa para sa standard na halaga ng pamasahe ng mga ito.

Sa ikalawang pagbasa nitong Hulyo 4 ng c8391 ni 1st District Councilor Jesus Fajardo, Jr., Chairman ng Committee on Transportation, nadiskubre na walang standard na halaga ng pamasahe ang mga bumibiyaheng tri-wheels sa lungsod.

Posibleng dahilan ito ng maraming reklamo ng mga pasahero dahil sa paiba-ibang halaga ng pasahe na sinisingil ng mga tsuper sa kanila.

Bago ito, nagkaroon na ng apat na pagdinig sa isyu na dinaluhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at iba’t ibang Tricycle ­Operators and Drivers’ Associations (TODAs). Dito nagkasundo sa halaga ng pasahe na kanilang sisingilin sa publiko.

Nakasaad sa panukala ang P16 base fare sa unang kilometro ng biyahe at dagdag na P5 bawat susunod na 500 metro.

Bukod sa mga re­gular na tricycle, kasama sa panukala ang mga tri-wheels na pedicab at mga e-trikes sa siyudad.  Dito inaasahan na masusugpo ang talamak na “overcharging” ng mga tsuper, ayon sa ordinansa.

JESUS FAJARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with