Mataas na kalidad ng edukasyon, ipinangako ni Mayor Joy

MANILA, Philippines — Nangako si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga magulang ng may 4,000 graduates ng Day Care Center sa District 1 at District 3 ang pagkakaroon ng mataas na kalidad ng edukasyon sa hinaharap.

Sa kanyang talumpati, ipinangako ni Mayor Belmonte sa mga magulang ng graduates na titiyakin ng pamahalaang lungsod ang mataas na kalidad ng edukasyon hanggang pagtuntong ng kanilang mga anak sa kolehiyo.

Hinimok din ni Belmonte ang mga magulang na ibigay ang buong suporta sa mga bata upang makamit ang kanilang pangarap na dito magiging katuwang din nila ang QC LGU.

Ang Day Care Cen­ters ng QC LGU ay pinangangasiwaan ng QC Social Services Development Department (SSDD) at libre ang lahat ng serbisyo at gamit ng mga bata dito tulad ng school supplies.

Show comments