MANILA, Philippines — Magpapatupad ng rollback ang mga kompanya ng langis sa presyo ng petrolyo simula ngayong Martes, Hulyo 4.
Ayon sa mga kompanyang Shell at Seaoil, magpapatupad sila ng bawas presyo sa produktong petrolyo ngayong araw na aabutin ng 70 sentimos bawas sa kada litro ng gasolina at diesel, habang 85 sentimos naman ang bawas presyo nila sa kerosene.
Anila, alas-6 ng umaga ipatutupad ang price adjustment.
Ang rollback ay dulot umano ng galaw ng presyuhan ng oil products sa merkado. Habang wala pang anunsyo ang iba pang oil companies.