MANILA, Philippines — Pinabubusisi ng Commission on Higher Education (CHED) ang nangyaring insidente ng sexual assault sa isang estudyante sa loob ng UP Diliman Campus sa Quezon noong nakaraang Sabado
Batay sa statement ng Office of the UP Diliman Chancellor, isang babaeng estudyante ang nag-report sa UP Diliman Police na dumanas ng sexual assault mula sa isang ‘di pa nakikilalang suspek noong July 1 sa Ylanan Street sa loob ng UP Campus.
Kaugnay nito, sinabi ni CHED Chairperson Popoy De Vera na hiniling na nito sa UP President at UP Diliman Chancellor na i-prayoridad ang pagkakaloob ng lahat ng posibleng assistance sa biktimang estudyante at sa kanyang pamilya kaugnay ng naganap na insidente.
“ I share with the entire UP Community our full support for her and her family in overcoming this difficult traumatic hurdle in their lives and in the longer process of healing. The UP administration must tap the expertise of the PNP to identify, track and apprehend all those responsible for this reprehensible act of violence.” sabi pa ni De Vera.
Binigyang diin ni De Vera na dapat manatiling ‘safe space’ ang mga higher education institutions sa bansa gaya ng UP para sa kapakanan ng mga estudyante.
Hinikayat din ni De Vera ang publiko na ipagbigay alam sa pulisya ang anumang nalalamang impormasyon na makatutulong sa kaso.
Sinabi ni De Vera na dapat ay maging ‘wake up call’ ang insidente sa pamunuan ng UP para pag-aralan at i-rationalize ang security at safety policies ng unibersidad kabilang ang operational engagement sa PNP at iba pang law enforcement agencies para mapangalagaan ang kanilang mga mag aaral. — Mer Layson