^

Metro

Sexual assault incident sa UP Diliman, pinabubusisi ng CHED

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinabubusisi ng Commission on Higher Education (CHED) ang nangyaring insidente ng sexual assault sa isang estudyante sa loob ng UP Diliman Campus sa Quezon noong nakaraang Sabado

Batay sa statement ng Office of the UP Diliman Chancellor, isang babaeng estudyante ang nag-report sa UP Diliman  Police na dumanas ng sexual assault mula sa isang ‘di pa nakikilalang suspek noong July 1 sa Ylanan Street  sa loob ng UP Campus.

Kaugnay nito, sinabi ni  CHED Chairperson Popoy De Vera  na hiniling na nito sa  UP President at UP Diliman Chancellor na i-prayoridad ang pagkakaloob ng lahat ng posibleng  assistance sa biktimang estudyante at sa kanyang pamilya kaugnay ng naganap na insidente.

“ I share with the entire UP Community our full support for her and her family in overcoming this difficult traumatic hurdle in their lives and in the longer process of healing. The UP administration must tap the expertise of the PNP to identify, track and apprehend all those responsible for this reprehensible act of violence.” sabi pa ni De Vera.

Binigyang diin ni De Vera na  dapat manatiling ‘safe space’ ang mga higher education institutions sa bansa gaya ng UP para sa kapakanan ng mga estudyante.

Hinikayat din ni De Vera ang publiko na ipagbigay alam sa pulisya ang anumang nalalamang impormasyon na  makatutulong sa kaso.

Sinabi ni De Vera na dapat ay maging ‘wake up call’ ang insidente sa pamunuan ng UP para pag-aralan at  i-rationalize ang security at safety policies ng unibersidad kabilang ang operational engagement sa PNP at  iba pang law enforcement agencies para mapangalagaan ang kanilang mga mag aaral. —  Mer Layson

ASSAULT

CHED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with