Backlog sa drivers license matutugunan na - LTO

Stock image of LTO driver’s license.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Department of Transportation (DOTr) na matutugunan na ng Land Transportation Office  (LTO)  at ng winning bidder para sa 5.2 milyong driver’s license plastic cards ang backlog sa driver’s license.

Ito’y matapos na maisyuhan na ng Notice to Proceed ang Banner Plastic Card, Inc., na siyang nanalong bidder para sa kontrata.

Sa isang pahayag kahapon, sinabi ni Transportation Undersecretary for Administration and Finance Kim Robert De Leon, na inaasahan nilang aabot sa isang milyong plastic cards para sa driver’s license ang maidedeliber ng naturang kompanya sa susunod na 60-araw.

“We expect the backlogs of the license cards to be addressed quickly. Our aim is to normalize the supply of the cards, so we will ensure that Banner deliver these cards efficiently,” ayon kay De Leon.

Una nang pinalawig ng LTO ang validity ng mga driver’s licenses na mag-e-expire mula Abril 24 hanggang Oktubre 31.

Inaasahan ding ilulunsad na nito ang digitalized version para sa kanilang mga serbisyo gaya ng renewal ng permits, online registration at payment transactions sa ahensiya. — Angie dela Cruz

Show comments