MANILA, Philippines — Hindi lang isa o dalawa ngunit apat na beses na nakita na nakalabas ng National Bureau of Investigation (NBI) Detention Cell si Jose Adrian Dera, isa sa co-accused sa kasong iligal na droga ni dating Senador Leila de Lima.
Ito ang resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng NBI kay Dera makaraang madiskubre ang paglabas niya kasama ang limang jailguards at kumain sa isang hotel sa Makati City kamakailan.
Bukod sa pagkain sa restoran ng hotel noong Martes ng gabi kasama ng isang babae, ineskortan pa si Dera patungo sa kaniyang bahay sa Rizal.
Kabaligtaran ito sa alibi na inilabas si Dera para sa isang medical check-up dahil sa gastritis.MANILA, Philippines — Hindi lang isa o dalawa ngunit apat na beses na nakita na nakalabas ng National Bureau of Investigation (NBI) Detention Cell si Jose Adrian Dera, isa sa co-accused sa kasong iligal na droga ni dating Senador Leila de Lima.
Ito ang resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng NBI kay Dera makaraang madiskubre ang paglabas niya kasama ang limang jailguards at kumain sa isang hotel sa Makati City kamakailan.
Bukod sa pagkain sa restoran ng hotel noong Martes ng gabi kasama ng isang babae, ineskortan pa si Dera patungo sa kaniyang bahay sa Rizal.
Kabaligtaran ito sa alibi na inilabas si Dera para sa isang medical check-up dahil sa gastritis.
Natuklasan din na nagawang makapunta ni Dera sa Tagaytay, Subic sa Pampanga, at Calatagan sa Batangas.
Sa pahayag ng isa sa tauhan ng NBI, napilitan lang siyang sumama kay Dera ng ilang beses dahil sa banta na mawawalan siya ng trabaho kapag tumanggi.
Sinabi ni Levito Baligod, abogado ng pamilya Degamo, na sila ang nagbigay ng impormasyon sa NBI-NCR at NBI-Taskforce Against Illegal Drugs ukol sa mga aktibidad ni Dera na agad namang inaksyunan kaya nabuko ang ginagawa nito.
Naniniwala naman si Baligod na hindi lang si Dera ang nakalabas ng NBI Custodial Jail ngunit maging si Marvin Miranda, isa sa itinuturong mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Posible umano na una lang nakabalik si Miranda kaya hindi ito nabuko.
Sinampahan na ng kasong corruption of public officials si Dera nitong Huwebes habang mga kasong graft at bribery ang inihain naman sa mga tauhan ng NBI na kaniyang kasama.