Road closure sa Araw ng Maynila

This undated photo shows Manila City Hall at night.
CC BY-SA 3.0 / Corteco8 / Wikimedia

MANILA, Philippines — Inabisuhan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang mga motorista na humanap ng alternatibong ruta dahil sa pagpapasara sa ilang kalsada sa siyudad sa selebrasyon ng Araw ng Maynila, bukas araw ng Sabado.

Sa abiso ng Manila Public Information Office (PIO), sisimulan ang pansamantalang pagsasara ng mga kalsada mula alas-6:00 ng umaga sa Sabado.  Bunsod ito ng isasagawang Civic Military Parade na parte ng selebrasyon.

Kabilang sa mga isasara sa trapiko ang kahabaan ng Moriones St., mula sa Mel Lopez Blvd. hanggang N. Zamora St.; kahabaan ng J. Nolasco St. mula Morga St. hanggang sa Concha St.; at kahabaan ng Sta. Maria St. mula Morga St. hanggang Concha Street.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng mga awtoridad ang mga motorista na maghanap o dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta upang makaiwas sa posibleng pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Inalerto naman ng lokal na pamahalaan ang Manila Traffic and Parking Bureau sa pagpapakalat ng mga tauhan na gagabay sa mga motorista sa itinalaga nilang mga alternatibong ruta para mapabilis ang trapiko.

Show comments