MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng nasa 200 bisikleta sa mga masisipag at matitiyagang manggagawa sa lungsod.
Ang naturang proyekto ng QC LGU ay layong bigyan ng alternatibong transportasyon ang mga residente upang makatipid sa gastos sa pamasahe at magkaroon ng mas malusog na pangangatawan, tuloy ay makatulong na maibsan ang air pollution.
“The local government gave away bicycles to QCtizen workers for them to save up on commuting costs. This is another way for our QCitizens to develop a healthier body and to help address the problem of air pollution,” sabi ni Mayor Belmonte.
Dumami na umano ang bilang ng mga nagbibisikleta sa bansa mula nang tumama ang COVID-19 pandemic makaraang supendihin ang biyahe ng lahat ng pampublikong transportasyon dahil sa lockdowns.
Kasama ni Mayor Belmonte sa pamamahagi ng bisikleta sina Majority Floor Leader Doray Delarmente, Vice Mayor Gian Sotto, at iba pang mga konsehal ng lungsod.