^

Metro

200 bisikleta, pinamigay ni Mayor Joy sa masisipag na manggagawa sa lungsod

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
200 bisikleta, pinamigay ni Mayor Joy sa masisipag na manggagawa sa lungsod
200 biskleta para sa mga manggagawang QCitizen!
QC Mayor Joy Belmonte / Facebook Page

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng nasa 200 bisikleta sa mga masisipag at matitiyagang manggagawa sa lungsod.

Ang naturang proyekto ng QC LGU ay layong bigyan ng alternatibong transportasyon ang mga residente upang makati­pid sa gastos sa pamasahe at magkaroon ng mas malusog na pangangatawan, tuloy ay makatulong na maibsan ang air pollution.

“The local government gave away bicycles to QCtizen workers for them to save up on commuting costs. This is another way for our QCitizens to develop a healthier body and to help address the problem of air pollution,” sabi ni Mayor  Belmonte.

Dumami na umano ang bilang ng mga nagbibisikleta sa bansa mula nang tumama ang COVID-19 pandemic makaraang supendihin ang biyahe ng lahat ng pampublikong transportasyon dahil sa lockdowns.

Kasama ni Mayor Belmonte sa pamamahagi ng bisikleta sina Majority Floor Leader Doray Delarmente, Vice Mayor Gian Sotto, at iba pang mga konsehal ng lungsod.

BIKE

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with