^

Metro

Handheld ticketing system devices, lalarga na sa Hulyo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Handheld ticketing system devices, lalarga na sa Hulyo
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) enforcers issue tickets to traffic violators along Commonwealth Avenue in Quezon City as they begin the test run for the single ticketing system on May 2, 2023.
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ilulunsad ng Metropo­litan Manila Development Authority (MMDA) ang aktuwal na paggamit ng mga handheld ticketing device sa Hulyo, kaugnay sa ipinatutupad  na single ticketing system (STS) sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na ang unang batch ng mga handheld ticke­ting device ay naihatid na at na-customize para gamitin ng limang local government units (LGUs), ito ay: San Juan, ­Quezon City, Valenzuela, Pa­rañaque, at Caloocan.

“There will be a soft launch on the first or se­cond week of July. We will also invite the supplier as we want to address the possible flaws or glitches in the implementation of the STS,” ani Artes,sa press briefing kahapon sa MMDA Head Office, sa Pasig City.

Ang mga handheld ticketing device ay maaa­ring mag-print ng mga citation ticket, mag-validate at mag-authenticate ng mga lisensya sa pagmamaneho at pagpaparehistro ng sasakyan, tingnan kung ang driver ay nagkaroon ng mga demerit point o kung ang kanyang lisensya o ang pagpaparehistro ng sasakyan ay nasuspinde, nakansela, o may umiiral na alarma, tumatanggap ng mga cashless na pagbabayad ng mga multa, bukod sa iba pa.

Ani pa ni Artes, hiniling ng ahensya sa supplier na bigyan ng dual sim ang device para maiwasan ang mahinang pagtanggap ng signal.

Binanggit ni Artes na sasanayin ng ahensya kaugnay dito ang mga traffic enforcer ngayong buwan.

Ang STS ay nagbibigay-daan sa interconnectivity sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno na kasangkot sa pamamahala ng trapiko sa pamamagitan ng iisang sistema ng mga multa at parusa.

Nilalayon din nito na mawala na ang red tape, limitahan ang mga pagkakataon para sa katiwalian, at puksain ang mga anyo ng negosasyon sa pagitan ng motorista at ng nakahuli na opisyal.

 

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with