Maynilad magpo-produce ng milyon litrong tubig kada araw

In a disclosure to the Philippine Stock Exchange, Maynilad parent company Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) said that the RCA was signed on May 18 with the Metropolitan Waterworks and Sewerage System, which confirms the continuation of the concession period until July 31, 2037.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Sisimulan ng West Zone concessionaire ang Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) na mag-produce ng may inisyal na  5.5 milyong litro ng inuming  tubig kada araw mula sa bagong naitayong  modular treatment plant (ModTP) sa Imus, Cavite.

Ang naturang treatment plant ay kukuha ng  raw water supply mula sa Anabu River para linisin at gawing malinis na inuming tubig.

Ang  P2.12-billion Anabu ModTP ay isa lamang sa apat na katulad na pasilidad na itinatayo ng  Maynilad  sa  Cavite area para magsuplay ng 24/7 na tubig sa mga lugar sa   Imus Cavite na hindi pa nakakatikim ng  24-hour water supply .

Ang  initial output na  5.5 MLD ay sapat na para sa pangangailangang tubig ng may mahigit  13,000 customers sa lugar.

Pero oras na maging fully operational ang   Anabu ModTP  sa katapusan ng taong ito, maaari itong mag -produce ng may  16 MLD na kayang bigyan ng suplay ng tubig ang may 114,000 katao sa naturang lugar.

Ang Anabu ModTP ay bahagi ng hakbang ng Maynilad upang maibsan ang posibleng  impact  ng El Niño phenomenon sa suplay ng tubig.

Show comments