Maynilad magpo-produce ng milyon litrong tubig kada araw
MANILA, Philippines — Sisimulan ng West Zone concessionaire ang Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) na mag-produce ng may inisyal na 5.5 milyong litro ng inuming tubig kada araw mula sa bagong naitayong modular treatment plant (ModTP) sa Imus, Cavite.
Ang naturang treatment plant ay kukuha ng raw water supply mula sa Anabu River para linisin at gawing malinis na inuming tubig.
Ang P2.12-billion Anabu ModTP ay isa lamang sa apat na katulad na pasilidad na itinatayo ng Maynilad sa Cavite area para magsuplay ng 24/7 na tubig sa mga lugar sa Imus Cavite na hindi pa nakakatikim ng 24-hour water supply .
Ang initial output na 5.5 MLD ay sapat na para sa pangangailangang tubig ng may mahigit 13,000 customers sa lugar.
Pero oras na maging fully operational ang Anabu ModTP sa katapusan ng taong ito, maaari itong mag -produce ng may 16 MLD na kayang bigyan ng suplay ng tubig ang may 114,000 katao sa naturang lugar.
Ang Anabu ModTP ay bahagi ng hakbang ng Maynilad upang maibsan ang posibleng impact ng El Niño phenomenon sa suplay ng tubig.
- Latest