^

Metro

Quezon City LGU ginawaran muli ng ‘unqualified opinion’ ng COA  

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Quezon City LGU ginawaran muli ng âunqualified opinionâ ng COA  
The photo of the Commission on Audit's office in Quezon CIty taken on Aug. 17, 2021.
The STAR / Michael Varcas

Sa ikatlong sunod na taon

MANILA, Philippines — Sa ikatlong sunod na taon, muling ginawaran ng Commission on Audit (COA)  ang Quezon City government ng “unqualified opinion” para sa 2022 annual audit report.

Ginawa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang anunsyo kasabay sa pagdiriwang ng 125th Independence Day ceremony.

Ang  “unqualified opinion” ay ang pinakamataas na audit opinion na ibinibigay ng COA sa isang government agency, kasama na ang local government unit.

“Sa ikatlong sunod na taon, mapalad ang ating siyudad na mabiyayaan ng ganitong parangal. Ito’y patunay lang ng ating tuluy-tuloy na tapat na pamamahala, at pagiging masinop sa paggamit ng pondo ng taumbayan. Hindi natin maaabot ang pagkilalang ito kung hindi dahil sa masisipag at tapat na mga tauhan ng ating siyudad. Para sa inyo ang parangal na ito,” sabi  ni Belmonte.

Ayon kay Belmonte, ibinigay ng COA ang ­highest recognition nang mag-courtesy visit si Joseph Perez, Supervising Auditor ng COA-QC.

Ayon kay Perez, nakamit ng lokal na pamahalaan ang “applicable financial reporting framework.”

Mismong si Mayor Belmonte ang tumanggap ng COA annual mula kay Perez, kasama ni City Administrator Michael Alimurung, Secretary to the Mayor Ricardo Belmonte Jr., at Office of the City Mayor (OCM) Chief of Staff Rowena Macatao.

COA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with