NAIA Terminal 3, nakaranas muli ng power outage

Mga pasahero nag-alboroto sa matinding init
MANILA, Philippines — Nag-alboroto muli ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nang muling magkaroon ng power outage na tumagal ng halos 25 minuto, kahapon.
Ayon sa impormasyon, pinatakbo sa T3 ang emergency power pero saglit lamang itong tumagal dahil nabalik muli umano ang normal flow ng kuryente dakong alas-12:15 ng tanghali, gayunman nanggalaiti sa galit ang mga pasahero dito dahil sa sobrang init na naranasan dahil sa mahinang aircon system.
Sa insidenteng naganap kahapon, wala namang naiulat na cancelled flights sa mga airline operations domestic man o international flights.
Magugunitang Mayo 1 nang magkaroon ng power outage sa bahagi ng NAIA T3 kung saan libu-libong pasahero ang naapektuhan.
Naglabas ng mga sama ng loob sa kanilang mga online ang mga pasaherong naabala sa brownout at naperwisyo ng husto sa kanilang mga flights at ang naranasang haba ng pila at walang pagkain o tubig sa paliparan.
- Latest