^

Metro

Higit 22K parak, ikakalat sa ikalawang SONA ni Marcos

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Higit 22K parak, ikakalat sa ikalawang SONA ni Marcos
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. presides over a sectoral meeting in Malacañang Palace on June 6, 2023.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Magpapakalat ng 22,081 tauhan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para masiguro ang kapayapaan sa gagana­ping ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 24.

 Sinabi ni NCRPO chief, P/Major General  Edgar Alan Okubo, ang itinalagang commander on the ground ni PNP chief Ge­neral  Benjamin Acorda Jr., na nasa kabuuang 22,081 tauhan, 17, 121 ang magmumula sa limang distrito ng NCRPO; 4,460 mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno kabilang ang NCRPO Regional Support Units, Aviation Security Group, Special Action Force, Joint Task Force NCR, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Office of the Civil Defense, Department of Health, Metropolitan Manila Development Authority, at Philippine Red Cross.

Sinabi ni Okubo na 4,405 mula sa Reactionary Standby Support Force, ay magsisilbing augmentation/strike force na handang magbigay ng karagdagang pwersa kung kinakailangan.

Idinagdag niya na ang Batasang Pambansa sa Quezon City kung saan gaganapin ang SONA 2023 ay pangunahing bibigyan ng pansin para sa seguridad habang ang 31 border control points ay ilalagay sa mga tinukoy na lugar na papasok at lalabas sa Metro Manila.  

SONA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with