Quezon City handa na sa ‘super bagyo’­

Ang mga inihandang relief packs na nakaimbak sa Brgy Silangan sa Quezon city bilang paghahanda sa posibleng pagbayo ng super bagyong Betty.
Photos by Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang kahandaan nito sa posibleng epekto ni bagyong Betty sa lungsod.

Sa harap ng posib­leng panganib na dala ng Super Typhoon agad na inihanda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ang supply ng first aid kits, evacuation tents, hygiene kits, personal protective equipment at mga gamot upang tiyakin ang kaligtasan ng mga residente ng lungsod.

Nakaantabay din ang emergency response teams ng QCDRRMO para sa mga hihingi ng tulong.

Kasabay nito, nagsagawa na rin ng Rescue and Clearing Operation ang QC Law and Order Cluster sa mga street dweller at ilang bahagi ng District 4 hanggang District 6.

Maari umanong tumawag sa Quezon City Helpline 122 sa anumang emergency na pangangailangan.

Show comments