Naka-impound na motorsiklo sa MPD nagliyab

A fire broke out at the stockroom building inside the compound of Manila Police District Headquarters in Manila on May 27, 2023.
Photos by Ernie Penaredondo/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nasunog ang isang naka-impound na motorsiklo sa rooftop ng isang gusali sa loob ng Manila Police District (MPD) headquarters compound  sa United Nations ­Avenue sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ni P/Lt. Ronald Gallo , deputy chief ng District Headquarters Support Unit (DHSU), dakong alas-6:30 ng umaga  nang maganap ang sunog sa rooftop DILG building na matatagpuan sa likod ng main building ng MPD.

Napansin umano ng mga tauhan ng DHSU ang makapal na usok na nagmumula sa nasabing gusali.

Mabilis namang nakaresponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Barangay 660 Kalaw Fire Volunteer kaya naapula agad ang apoy.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at ang dulot nito.

Show comments