Filing ng Disability Claims Applications, puwede na sa online – SSS
MANILA, Philippines — Mas magaan na ngayong mag-file ng Disability Benefit claim applications sa Social Security System (SSS).
Ito ay dahil maaari na itong gawing online sa pamamagitan ng My.SSS Portal.
Ayon kay SSS President at CEO Rolando Ledesma Macasaet na ang probisyon ng online facility ay bahagi ng patuloy na compliance ng SSS sa Ease of Doing Business and Efficient Government Services Delivery Act of 2018 sa pamamagitan ng streamlining, simplification, at automation ng lahat ng proseso ng mga benepisyo.
“With the implementation of Online Filing of Disability Claim Applications under our Social Security Program, we are proud to say that we have finally put all SSS benefit and loan programs onto online platforms. Our members can access them at their convenience 24/7, without the need to visit our branches,” sabi ni Macasaet.
Para magamit ang online Disability Claim Application (DCA) facility, ang miyembro ay dapat na mayroong registered account sa My.SSS Portal ng SSS website sa www.sss.gov.ph at Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card na naka-enroll na ATM or approved disbursement account para sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM).
Ang mga miyembro ay maaaring maka-access sa pasilidad na ito sa pamamagitan ng pag-log in sa kanilang My.SSS account at e-click ang “Apply for Disability Claim” sa ilalim ng Benefits Tab.
Ang sistema ay magba-validate ng records at eligibility ng miyembro para sa benepisyo oras na makapag-aplay ng online. Ang resulta ay makikita sa screen. Ang qualified member ay kailangang mag-upload ng kailagang dokumento tulad ng medical certificate na naibigay ng kanilang attending physician sa loob ng nagdaang anim na buwan.
Sa mga may tanong sa program, maaaring basahin ang SSS Circular No. 2022-039 sa https://bit.ly/SSSCI2022-039 o panoorin sa eSSSkwela Webinar Episode 9 s a YouTube sa https://bit.ly/eSSSkwelaEP9. Ang iba pang impormasyon tungkol sa SSS Disability Benefit ay maaaring malaman sa Knowledgebase Section ng uSSSap Tayo Portal at https://crms.sss.gov.ph.
- Latest