MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nailipat na nila sa mas ligtas na bahay ampunan ang mga bata na inalis sa ipinasarang Gentle Hands Orphanage sa Quezon City.
Ayon sa DSWD, may 149 mga bata ang dinala sa Elsie Gaches Village sa Alabang,Nayong Kabataan sa Mandaluyong Reception at sa Study Center Para sa mga Bata sa Quezon City.
Unang inisyuhan ng Cease-and-Desist Order ng DSWD ang Gentle Hands Inc.dahil sa paglabag sa Republic Act No. 7610 o mas kilala bilang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination .
Inisa-isa rin ng DSWD ang nakitang paglabag ng Gentle Hands tulad ng masikip na pasilidad, isyu ng kalinisan at bentilasyon,may panganib sa sunog at iba.
Dahil dito,tiniyak ng DSWD na muli nilang susuriin ang kanilang centers at residential care facilities gayundin ang Social Welfare and Development Agencies upang magarantiya ang kaligtasan at seguridad ng mga okupante.
Ito ay alinsunod sa regulatory functions ng DSWD upang matiyak na sumusunod ang mga SWDA sa mga pamantayang itinakda ng Kagawaran.