^

Metro

146 bata sa isinarang ampunan, nailipat na - DSWD

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
146 bata sa isinarang ampunan, nailipat na - DSWD
The Department of Social Welfare and Development (DSWD) on May 23, 2023, ordered the shutdown of Gentle Hands Inc., a private orphanage in Quezon City, for allegedly violating a law against child abuse, exploitation, and discrimination.
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nailipat na nila sa mas ligtas na bahay ampunan ang mga bata na inalis sa ipinasarang Gentle Hands Orphanage sa Quezon City.

Ayon sa DSWD, may 149 mga bata ang dinala sa  Elsie Gaches Village sa Alabang,Nayong Kabataan sa Mandaluyong Reception at  sa Study Center Para sa mga Bata sa  Quezon City.

Unang inisyuhan ng Cease-and-Desist Order ng DSWD ang Gentle Hands Inc.dahil sa paglabag sa Republic Act No. 7610 o mas kilala bilang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination .

Inisa-isa rin ng DSWD ang nakitang paglabag ng Gentle Hands tulad ng masikip na  pasilidad, isyu ng kalinisan at bentilasyon,may panganib sa sunog at iba.

Dahil dito,tiniyak ng DSWD na muli nilang susuriin ang kanilang centers at residential care facilities gayundin ang Social Welfare and Development Agencies upang magarantiya ang kaligtasan at seguridad ng mga okupante.

Ito ay alinsunod sa regulatory functions ng DSWD upang matiyak na sumusunod ang mga SWDA sa mga pamantayang itinakda ng Kagawaran.

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with