^

Metro

Libreng sakay sa Quezon City, aprub na kay Mayor Joy Belmonte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Libreng sakay sa Quezon City, aprub na kay Mayor Joy Belmonte
This 36-year-old single mother of three goes about her daily life as a conductor of a modern jeepney in Quezon City on March 7, 2023.
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pirmado na ni ­Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ordinansang inihain ni dating three-term Congressman at kasalukuyang Councilor Alfred Vargas na pormal na nagtatatag sa programang “libreng sakay” sa lungsod.

“Sa isinulong nating Ordinance No. SP-3184, S-2023, magagarantiya na natin ang sustainability ng Q City Bus program na sinimulan at itinatag ni Mayor Joy Belmonte at tinatangkilik ng libu-libong pasahero araw-araw,” pahayag ni Vargas.

Sa ilalim ng ordinansa, pamamahalaan ng Quezon City Traffic and Transportation Management Department ang implementasyon ng Q City Bus program at lalaanan naman ito ng taunang budget ng City Council.

Ayon kay Vargas, mahigit 12 million passenger rides na ang naitala sa walong ruta na sakop ng Q City Bus program at dahil dito ay priority measure ng parehong executive at legislative departments ng lungsod ang pagpapatibay nito.

Pinasalamatan ni Vargas si Mayor Belmonte sa pagbibigay-diin sa mga programang nagpapaginhawa ng buhay ng mga mamamayan, gayundin sa mga kasama niya sa City Council sa kanilang pagsuporta sa kanyang ordinansa.

Dahil sa programang ito, malaki ang natitipid ng mga residente ng lungsod, at ang natitipid nila ay naidaragdag sa kanilang pangtustos sa medisina, kuryente, pagkain at iba pang batayang pangangailagan, dagdag pa nya.

Sinabi pa ni Vargas na siya mismo ay nakasakay na sa libreng bus service ng lungsod mula Novaliches.

Dagdag ni Vargas, makakaasa ang mga taga-Quezon City na lagi syang maghahain ng mga ordinansa na nagsusulong ng dagdag na welfare and social service programs.

“Nangunguna talaga ang QC in terms of social progress at innovation sa services. Marami na ang nagtatangkang gayahin ang Q City Bus sa kanilang mga locality at tayo ang kanilang modelo at ehemplo,” ani Vargas.

MAYOR JOY BELMONTE

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with