Murang sibuyas at bigas dinumog sa Kadiwa Center sa harap ng DA

A porter pushes a cart loaded with red onions in Binondo, Manila on May 16, 2023.
STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Dinagsa ng maraming mamamayan ang  murang bigas at sibuyas sa Kadiwa Center sa harap ng tanggapan ng Department of Agriculture (DA) sa Elliptical Road  sa Quezon City.

Ayon sa mga mamimili malaking tulong ang murang bigas at sibuyas na ibinibenta  sa Kadiwa Center dahil malaki ang kanilang matitipid sa kanilang gastusin sa araw- araw.

Mabibili lamang sa halagang P140 ang kada kilo ng puting sibuyas at pulang sibuyas habang may mabibili namang bigas sa halagang P25 bawat kilo .

Pinapayagan lamang sa Kadiwa store na makabili ng hanggang apat na kilong bigas ang bawat indibiduwal.

Show comments