^

Probinsiya

Outreach programs, police ops mas pinalakas sa Caraga

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Outreach programs, police ops mas pinalakas sa Caraga
Si Brig. Gen. Pablo Labra (kanan), director ng PRO-13 habang binibigyan nito ng direktiba ang kanyang mga tauhan sa pagpapalawig ng kanilang outreach programs.
John Unson

Cotabato City, Philippines — Mas pinalawig ngayon ng Police Regional Office 13 ang pagsuporta sa peacebuilding projects ng mga local government units sa Caraga region na maraming mga lugar na wala ng gaanong problemang dulot ng communist terrorist groups at mga grupong kriminal.

Natapos noong Sabado, May 20, 2023, ang paglilibot ni Brig. Gen. Pablo Labra II, director ng Caraga regional police, sa mga police stations sa mga lungsod at mga bayan sa Agusan del Sur at Agusan del Norte, kung saan kanyang pinulong ang mga kasapi ng mga lokal na pulisya hinggil sa pagpapalawig pa ng kanilang mga community outreach activities maliban pa sa kanilang mga regular na law-enforcement operations.

Sa pagtutulungan ng mga lokal na opisyal, ng PRO-13 at mga unit ng Eastern Mindanao Command ng militar, marami sa mga bayan at lungsod ng naturang dalawang probinsya ang magkakasunod na nadeklara ng “communist insurgency free” nitong nakalipas na apat na taon.

Pinakahuling dinalaw ni Labra nooong Sabado ang mga police stations sa Loreto, Veruela, Sta. Josefa, Trento, Bunawan, Rosario, at San Francisco sa probinsya ng Agusan del Sur.

Pinasalamatan din ni Labra, na nanilbihan bilang isang mataas na opisyal ng Bangsamoro regional police bago naitalagang Caraga Police regional director, ang mga kasapi ng naturang mga police stations sa kanilang mga accomplishments sa pagpapatupad ng anti-narcotics operations ng Philippine National Police.

Sa tala, hindi bababa sa 50 na mga drug dealers na ang na-entrap at kasaluku­yang nililitis na bilang resulta ng iba’t ibang police operations ng mga unit ng PRO-13 sa Agusan del Sur at Agusan del Norte mula nitong huling bahagi ng 2021.

Ayon kay Labra, ang isa pang misyon ng mga police units sa Caraga region ay ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na residente, kaugnay ng police-community relations o PCR program ng PNP.

vuukle comment

PNP

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with