^

Metro

Manila Central Post Office, nasunog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Manila Central Post Office, nasunog
Umabot sa general alarm ang sunog na naganap sa Manila Central Post Offi ce kung saan tinatayang nasa P300 million ang natupok ng apoy.
Kuha ni Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nilamon ng apoy ang malaking bahagi ng Manila Central Post Office na nag-umpisa bago magha­tinggabi nitong Linggo sa basement nito,

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection- Manila Fire Department, dakong alas-11:41 ng gabi nang ideklara ang unang alarma. Ngunit nahirapan ang mga bumbero na maapula ang apoy hanggang sa umabot ang alarma sa General Alarm dakong alas-5:54 ng Lunes ng madaling araw.

Nangangahulugan ang general alarm na kailangang rumesponde ng lahat ng available na mga fire trucks para apulain ang apoy.

Dakong alas-7:22 na ng umaga nang magdeklara ang BFP ng Fire under control makaraan ang halos pitong oras.

Nasa pito katao ang iniulat na nasugatan sa insidente, habang aabot sa P300 milyon ang napinsala sa sunog,

Sa paunang imbestigasyon, isang stay-in staff na natutulog sa opisina ang nagising nang kumalat ang makapal na usok at saka sila humingi ng res­ponde sa mga bumbero.

Ayon kay Mark Laurente, chief of staff ng postmaster general, nag-umpisa ang apoy sa basement ng soutside ng gusali kung saan naroroon ang maintenance room at storage room kung saan nakaimbak ang mga papel at wood materials.

Pinaniniwalaang ang mga sulat , parcels at ang buong stamp collection ng ahensya ang nadamay din sa sunog.

Apektado rin ang mga ilang mga Phi­lippine National IDs (PhilsIDs) na nakatakda na sanang ideliber sa Maynila ang naapektuhan rin sa naganap na sunog.Matapos ang oprihinal nitong pagkakatag noong 1926, ang post office ay ikinokonsi­derang ‘gradiest building’ sa Maynila na nawasak din dahil sa naganap na WW II at muling itinayo noong 1946

Related video:

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with