Heart, emosyonal nang pag-usapan ang miscarriage sa kambal!
Finally ay nakapanayam na rin ni King of Talk Boy Abunda si Heart Evangelista na noon pa ay dream na niya talagang ma-interview para sa kanyang Fast Talk with Boy Abunda.
Kagabi ay inere na ang guesting ni Heart sa nasabing programa at isa sa napag-usapan ay ang napabalitang marital problems na pinagdaanan ni Heart and husband, Senator Chiz Escudero.
Bagama’t hindi na idinetalye ni Heart kung ano ba talaga ang naging problema sa kanilang relasyon, ayon sa Queen of Creative Collaborations, lahat naman daw ng tao ay dumadaan sa problema.
“Not just with marriages, friendships, with people you work with, everybody goes through problems you know. And I felt that as individuals, even if you’re married or even if you’re committed to someone, or a friend or whatever, you really have to go through certain things and deal with them alone and really ponder about what you want in life,” pahayag ni Heart.
Ang maganda raw kay Chiz ay nirespeto nito ang lahat ng seasons na kanyang pinagdadaanan.
“Chiz and I, you know, he’s 15 years older than me and I’m a late bloomer and there’s just some things that I discovered and that’s why it works kasi he’s so supportive. And I really appreciate them because of that. His love is very unconditional and that’s why we’re okay,” aniya.
Hindi naman naiwasang maging emosyonal ni Heart nang mapag-usapan nila panahong nagkaroon siya ng miscarriage sa kanyang ipinagbubuntis na kambal noong 2018. Aniya, sa kabila ng nangyari ay thankful pa rin siya dahil kahit sandali ay naiparamdam sa kanya ng kanyang ‘angels’ ang pagiging isang ina.
“The idea in what my angels made me feel, that’s good enough for me,” naluluha niyang wika.
Sa ngayon daw ay hindi na niya ipinipilit pa ang mga bagay-bagay. Kung bibigyan siya ng anak ay okay naman daw sa kanya.
At one point ay naitanong ni Kuya Boy kay Heart ‘yung tsikang dinedma niya sa Milan Fashion Week sina Dra. Vicki Belo and Alex Gonzaga.
“Hindi ko naman siya nakita,” kaswal na sabi ni Heart.
Naka-focus daw siya sa show at paliwanag pa niya, “I’m not there to chit chat. I’m not there to immerse myself with what… you know. Again, baka sa mga hindi nakakaintindi, but it’s art and you appreciate art. And for me, ‘yun talaga ‘yung hilig ko, eh. So, talagang nagpo-focus, especially, it was a Gucci show.”
Isa pang nalinaw ni Heart, hindi totoong sa Paris na siya maninirahan kahit pa bumili na siya ng apartment doon.
“Ano naman ang gagawin ko do’n? Paano na ang kabuhayan showcase? Hindi ko naman pwedeng iwanan (ang Pilipinas). Philippines is my home. Paano na ‘yung mga aso ko? Aso talaga? Syempre si Chiz, pumupunta rin sa Paris,” she said.
Dennis, nakipaghabulan sa langaw
Ang daming naaliw sa ipinost na video ni Jennylyn Mercado kung saan ay makikitang naghahabol ng mga langaw ang mister niyang si Dennis Trillo.
Makikita sa video na may hawak-hawak na pangpatay ng langaw si Dennis at hinahabol ang mga langaw sa kusina at sa salas.
Caption ni Jennylyn, “Hindi talaga si Padre Salvi at Padre Damaso ang kalaban ni Ibarra… At hindi rin pala Boazanians kalaban ni Dr. Armstrong …”
Sumagot naman si Dennis ng “just making sure na protected ang mga mahal ko from langaw.”
Hahaha. Ang sweet, ‘di ba naman?
- Latest