Mister itinumba sa loob ng bahay, patay
May 12, 2023 | 12:00am
MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang mister habang ang biktima ay nagluluto ng hapunan para sa kanyang mag-ina kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan ang biktimang si Joel Juan, 40, ng Acacio St., Brgy. 168, Deparo, Caloocan.
Nabatid pa sa ulat na ang nasawi ay dati nang naaresto dahil sa kaso ng droga noong nakalipas na taon.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo at kung sino ang posibleng may gawa sa krimen.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Recommended