BuCor hi-tech sa mga bagong gadget

Undated photo shows of BuCor.
Miguel De Guzman, File

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagsasanay sa mga tauhan nito sa paggamit ng body cameras bilang bahagi ng reform program ng ahensya.

Ayon kay J/SINSP Angelina Bautista (Ret.), OIC-Deputy Director General for Operations ng BuCor na siya ring namamahala sa programa, ang unang batch na binubuo ng 20 tauhan ay kasalukuyang sumasailalim sa pagsasanay sa loob ng dalawang araw upang maging pamilyar sa paggamit ng bagong gadget.

“This program will ­really help us to monitor our stakeholders since the capabilities of the software that we are ­using is made in USA and it is capable of capturing activities with auto recording and live streaming  and feed directly to our Command Center,» ani Bautista.

“Lahat ng personnel na gagamit nito makikita natin ang location nila in real time at lahat ng nakikita nila during live streaming and video recording makikita rin natin sa ating Command Cen­ter, talagang monitored natin ang nangyayari both the PDLs and our own personnel,” dagdag pa nito.

Kabilang din sa isasama ang facial recognition feature sa programa para sa madaling pagkilala sa mga tao sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).

Sa unang bahagi, ­aniya ng administras­yon ni BuCor Dir. Gen. Gregorio Pio Catapang, naglagay na ng mga ka­ragdagang CCTV ca­mera sa mga strategic na lokasyon sa loob ng (NBP) para sa mas mahusay na pagsubaybay ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito natupad ang layunin dahil karamihan sa mga camera ay na-redirect sa iba’t ibang direksyon.

Sa bagong teknolohiyang, malulutas  ang problema hinggil sa CCTV  at kasabay nito ay makatipid ng pera para sa ahensya dahil gagamitin natin para sa programa ang mga mobile phone na nakumpiska sa ating mga person deprived of li­berty (PDLs) na may minor configuration, dagdag ni Bautista.

Show comments