Mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19, nadagdagan

Stock photo of a consumer not wearing face mask in market.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ang mga lugar sa bansa na may mataas na bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Sa ulat ng OCTA Research Group, nitong May 6 ay mayroong 8 lugar sa bansa ang may higit 20% na COVID-19 positivity rate o nasa high risk level.

Kabilang dito ang Me­tro Manila na umakyat pa sa 22.7% ang positivity rate mula sa 17.2% noong April 29.

Pinakamataas naman ang lalawigan ng Camarines Sur na sumirit na sa 45.1% mula sa 39.7%

Mataas din ang positivity rate sa Batangas, Bulacan, Cavite, Isabela, Laguna at sa lalawigan ng Rizal.

Sa kabuuan, tumaas na rin sa 19.9% ang naita­lang positivity rate sa buong bansa.

Sa pagtaya naman ng OCTA ay posibleng sumampa sa 1,400-1,600 ang bagong kaso ng COVID ngayong May 8, Lunes.

Show comments