Manila LGU nagbabala sa posibleng heat stroke

The 302 foot-high cross of Mount Samat is silhouetted in the fiery sunset as seen from the Manila Bay on Thursday, March 30, 2023 a week before the Christian Holy Week.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa publiko sa posibleng heat stroke kung hindi poprotektahan ang mga sarili makaraang pumalo kahapon ang ‘heat index’ ng siyudad na 43 degree Celsius.

Naitala ang naturang init dakong ala-1:30 ng hapon base sa monitoring ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office.

Nasa ‘danger zone’ na umano ang naturang init na maaaring magdulot ng ‘heat cramps, heat exhaustion at heat stroke’ kung patuloy na mabababad sa init at matinding gawain.

“Sa ganitong kondisyon pinapaalalahanan po ang lahat na ugaliing uminom ng maraming tubig at iwasang mabilad sa araw upang maiwasan ang heat cramps at heat exhaustion,” ayon sa MDRRMO.

Kung hindi umano maiiwasan na mabilad sa araw, dapat ugaliin na magpahinga at sumilong kada 30 minuto upang bumaba ang temparatura ng katawan.

Show comments