Ilang lugar sa Metro Manila, 6-oras mawawalan ng tubig

Some residents of Tondo and Binondo area line up their empty containers to buy and store water following a water interruption in both districts on March 24, 2023.
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inianunsiyo ng Manila Water Company Inc. na ang ilang kostumer nila sa ilang piling lugar sa Metro Manila ay makakaranas ng hanggang anim na oras na water service interruption simula ngayong Lunes ng gabi.

Sa isang abiso, sinabi ng Manila Water na bunsod na rin ito ng maintenance activities na kanilang nakatakdang isagawa.

Nabatid na kabilang sa makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig ay ang mga kos­tumer mula sa ilang bahagi ng Cainta, Rizal; Makati City; Pasig City; Quezon City; at Taguig City.

Magsisimula anila ang water service interruption simula Lunes, Mayo 8, at inaasahang magtatagal hanggang sa Biyernes, Mayo 12.

Ang kumpletong detalye hinggil sa naturang water service interruption ay maaaring makita sa social media accounts ng Manila Water o sa bit.ly/ManilaWaterServiceAdvisories.

Show comments