Ang bagong inuming panlaban sa sabaw moments sa trabaho!

Para tulungan tayong lampasan ang lutang moments mula sa stress ng trabaho, kasangga natin ang bagong Sprite Lemon+!
Photo Release

Pagdating sa trabaho, hindi talaga maiiwasan ang makaranas ng stress lalo na kung mabigat ang physical demands nito o maraming iniisip at iniintindi.

Ang mahirap pa rito, ang mga taong stressed ay nakakaramdam ng matinding pagod at hirap sa pagtulog. Kaya naman pagdating sa trabaho ay tila parang sabaw na sila at hindi makakilos o makapag-isip nang mabuti.  

Para tulungan tayong lampasan ang lutang moments mula sa stress ng trabaho, kasangga natin ang bagong Sprite Lemon+!

Meron itong combination ng pinatinding zesty lemon na may dagdag pang caffeine at Vitamin B3—pinagsama-sama sa isang inumin para makatulong sa pagiging alerto at gising. 

Sa bagong Sprite Lemon+, mas pinatindi ang lemon kick nito na magpapabalik online ng isip. Makukuha mo ang tamang sipa na kailangan mo para no more lutang moments!

Swak din ito sa mga katulad ng security guards na kailangang laging alerto o riders at bus drivers na bumabiyahe hanggang gabi para maiwasan ang pagiging sabaw sa trabaho.

Ayon sa Medical News Today, ang caffeine ay isang stimulant na nakakatulong na mas maging alerto ang utak at mapabuti ang concentration at focus, habang ang Vitamin B3 ay nakakatulong naman sa proper brain functioning.

Hindi mo rin kailangang gumastos ng mahal dahil sa halagang P12 SRP (Swakto, 190mL) o P17 SRP (Mismo, 290mL), may intense lemon flavor na ito, PLUS caffeine at Vitamin B3, kaya sulit talaga ang pera mo sa bagong Sprite Lemon+!  

Nakaka-enjoy ang tamang asim at tamis na lemon flavor nito, at ang dagdag na caffeine at Vitamin B3 na siguradong hahanap-hanapin mo.   

Sa mga hindi pa nasusubukan ang bagong Sprite Lemon+, hindi na kailangang lumayo dahil maaari itong mabili sa supermarkets, convenience stores, at sa mga kalapit na sari-sari store. Available rin ito sa Lazada.

Intense ang buhay? Kick it with the NEW Sprite Lemon+! 

Show comments