P2.2 milyong shabu nasamsam sa drug dealer

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Parañaque City police ang isang  hinihinalang drug dealer kung saan nasamsam dito ang  mahigit sa P2 mil­yong halaga ng ilegal na droga, sa Parañaque City, ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ang nadakip na si Mohn Chandumal Jiwatramani, 64; habang nakatakas naman ang kasabwat nito na si Efren John Frac, alyas Zeth.

Sa ulat, naganap ang buy-bust operation bandang alas-11:30 ng gabi ng Mayo 2, 2023 sa kahabaan ng Gadiola St., Tramo Uno Brgy. San Dionisio.

Nasamsam sa nada­kip ang nasa  325 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ?2,210,000.

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang suspek sa paglabag Sections  5 at 11, ng Republic Act  9165  (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Parañaque City Pro­secutors’ Office.

Show comments