P2.2 milyong shabu nasamsam sa drug dealer
MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Parañaque City police ang isang hinihinalang drug dealer kung saan nasamsam dito ang mahigit sa P2 milyong halaga ng ilegal na droga, sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nadakip na si Mohn Chandumal Jiwatramani, 64; habang nakatakas naman ang kasabwat nito na si Efren John Frac, alyas Zeth.
Sa ulat, naganap ang buy-bust operation bandang alas-11:30 ng gabi ng Mayo 2, 2023 sa kahabaan ng Gadiola St., Tramo Uno Brgy. San Dionisio.
Nasamsam sa nadakip ang nasa 325 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ?2,210,000.
Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang suspek sa paglabag Sections 5 at 11, ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Parañaque City Prosecutors’ Office.
- Latest