Dagdag-sahod sigaw sa Labor Day protests
MANILA, Philippines — Dagdag sa sahod ang pangunahing sigaw ng mga libong manggagawa at militanteng grupo na nagkasa ng kilos-protesta sa iba’t ibang bahagi ng Maynila kahapon sa selebrasyon ng Araw ng Paggawa.
Sa ulat ng Manila Police District (MPD), tinatayang humigi’t- kumulang 1,000 militante ang dumagsa sa may Roxas Boulevard malapit sa United States Embassy at nagkasa ng programa dakong alas-12 ng tanghali.
Bukod sa Metro Manila, nagkasa rin ng magkakasabay na protesta ang ibat-ibang organisasyon sa ibang parte ng bansa.
Dakong alas-8 ng umaga nang mag-umpisang magmartsa ang mga miyembro ng Philippine Trade Unions (APTU) mula sa España patungo sa Mendiola kung saan nagkasa sila ng programa.
Tinuligsa rin ng mga raliyista si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sa halip na harapin umano ang mga manggagawa ay umalis ng bansa para makipagpulong kay American President Joe Biden.
Habang isinusulat ito, wala namang naitatalang uri ng karahasan sa mga protesta. May bago ring pakulo ang mga tauhan ng MPD na naglabas din ng sarili nilang placards na pumupuri at naghahayag ng pagmamahal sa mga manggagawa.
- Latest