^

Police Metro

Pagsusuot ng mandatory face mask pag-iisipan - Marcos

Malou Escudero - Pang-masa
Pagsusuot ng mandatory face mask pag-iisipan - Marcos
Some shoppers [keep their mask on/remove their mask] at a public market in Marikina City on Wednesday, Sept. 14, 2022 following President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr's suspension of the mandatory policy on face masks in outdoor settings on September 12.
The STAR / Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Sa gitna nang tumatas na kaso ng COVID-19 ay pag-iisipan ng gobyerno ang posibleng pagbabalik ng mandatory na pagsusuot ng face mask at umaasa ang gobyerno na hindi na tumaas pa ang kaso ng COVID-19.

“We might have to think about it (mandatory na pagsusuot ng facemask kung talagang… But ang ating -ako ang tinitingnan ko is because although ‘yung rate of increase lumalaki, ang baseline natin na sinimulan eh maliit lang so hopefully we’re still ano we’re still going to be able to do it,” Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa panayam ng media habang sakay ng PR 001 patungong Amerika.

Sinabi rin Marcos na lumalabas na dapat muling i-push ang pagbabakuna para mabawasan ang nagkakaroon ng impeksiyon lalo na sumasabay pa ang mainit na panahon.

 “But it looks like, we will have to conduct again, especially for young people, we’ll have to conduct again a vaccination push para mabawasan na ‘yan, para mabawasan ‘yan especially with people being a little bit, shall we say, nahihirapan na nga eh dahil sa init,” ani Marcos.

Idinagdag ni Marcos na titingnan din ang opinyon ng Inter-Agency Task Force at ng Department of Health tungkol sa mandatory na pagsusuot ng face mask.

“So we’ll look at it. Tingnan natin kung may guidance ang IATF, may guidance ang DOH. I think I hope we don’t have to but we might but I hope not,” ani Marcos.

Nauna nang sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang pagtaas ng positivity rate ay dahil sa ilang salik factors, kabilang ang mobility ng populasyon tuwing holidays gayundin at ang  bilang ng mga taong kumukuha ng COVID-19 test.

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with