MANILA, Philippines — Pansamantalang magbabalik sa blended learning ang nasa 28 public schools sa Muntinlupa City sa loob ng isang buwan.
Ito ayon sa Muntinlupa LGU ay para maprotektahan ang kanilang mag-aaral sa matinding init sa kasalukuyan.
Magsisimula ang pagbabalik sa blended learning sa darating na Mayo 2 na tatagal hanggang sa Hunyo 2.
Nabatid na sa panahong ito, maaring magsagawa ng online classes o traditional na in-person teaching ang mga paaralan.
Sinabi pa ni Mayor Ruffy Biazon na layon sa pagpapatupad sa blended learning ay para maingatan ang mga mag-aaral maging ang mga school personnel sa nararanasang matinding init ng panahon.