MANILA, Philippines — Isinapubliko na ng Quezon City Government sa pakikipagtulungan sa Sentro Artista Art Hub ang bagong art installation sa pedestrian underpass na nag-uugnay sa Quezon City Hall at Quezon Memorial Circle na tinawag na “QC Underparadisso,” isang giant artwork na kakikitaan ng endangered Philippine flora at fauna.
Para malaman kung anung uri ng species ito, ang dadaan sa underpass ay maaaring e-scan ang QR code na nasa entrance ng underpass.
“We recognize that all walks of life can learn so much through art. We hope that the QC Underparadisso will be able to raise the awareness of the public, especially the youth, and inspire them to do their share in protecting the environment,” sabi ni Mayor Joy Belmonte.
Ilan sa tampok dito ang Philippine Eagle, Tamaraw, Pangolin, Warty Pig, Negros Bleeding Heart Pigeon, Tarsier, Waling-waling, at Alocasia.
“We want our QCitizens to look forward to walking along a beautiful, colorful, and enjoyable underpass where they can take pictures and learn more about nature,” dagdag ni Belmonte.
Ang monumental artwork ay magkakasamang isinalarawan ng internationally acclaimed muralist A.G. Saño, Art Atak team, Cosmic Clint, at RKTRS Art Collective. Sila ay kasama ng mga inspiring volunteers mula sa Boundless Possibilities Foundation na nagdala sa Gentle Giants, isang grupo ng mga young artists na may kapansanan, talented art students mula sa Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science & Technology, art students mula sa UP College of Fine Arts at Central Colleges of the Philippines.
Ang pagpasinaya ng QC Underparadisso ay bahagi ng selebrasyon ng QC government sa Earth Day.