^

Pang Movies

Alden, naging maalaga sa balat dahil sa global warming!

Salve V. Asis - Pang-masa
Alden, naging maalaga sa balat dahil sa global warming!
Alden

MANILA, Philippines — Aminado si Alden Richards na tamad siyang gumamit ng mga skincare.

Sa umpisa lang daw siya masipag pero ‘pag medyo matagal na, nakakalimutan na niya.

“Naliligo naman po everyday. Malinis ako sa katawan. Pero tamad ako sa mga ganyan,” chika ng aktor.

Pero dahil iba na ang weather sa paligid natin dahil sa global warning, aminado siya hindi na talaga arte ang paggamit ng proteksyon sa katawan o sa mukha o gumamit ng sunscreen para protektahan ang balat.

Kuwento niya, nung minsan nga raw na nag-shoot siya sa beach ay nakalimutan niyang maglagay ng sunscreen at na-notice agad ng make-up artist niyang umitim agad ang mukha niya.

“Since this is an industry showcasing our physical looks so kailangan na talagang alagaan ang balat, kahit mga lalaki,” pag-amin niya nang ipakilala siyang bagong endorser ng sunscreen ng Brilliant Skin Essentials ni Miss Glenda.

Kumpisal niyang hindi talaga raw siya fan ng summer.

“’Di po kasi ako fan ng init. So sometimes what we do on summer days, very seldom, we go on trips abroad with family sa mga lugar kung saan winter. Makatakas man lang sa init ng Pilipinas. Pero kung hindi naman po, kahit papaano, I see to it na nadadala ko rin sila sa beach kahit by land lang ‘yung travel kasi taga-Laguna naman po talaga ako so most of the time po nadadala ko po sila sa Batangas. So, ‘yun po, swimming-swimming po kami du’n.”

Gel ang texture ng Brilliant sunscreen cream na may sheer finish kaya hindi malagkit at safe and effective laban sa UVA at UVB rays ng araw.

Tito Sotto, may hinahanap na P400 million na kita ng Eat Bulaga?!

Walang binanggit na pangalan si former Senate President Tito Sotto sa kanyang interview kay Nelson Canlas ng GMA pero animo’y sinagot niya ang mga pahayag ni Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc.) Chief Finance Officer Bullet Jalosjos tungkol sa mga kontrobersya sa long running noontime show na Eat Bulaga!

Maaalalang inamin ni Dapitan City Mayor Jalosjos na magkakaroon ng malaking pagbabago ang programa sa Fast Talk ni Kuya Boy Abunda last week.

Ngunit aniya hindi pa kasama rito ang pagpapalit sa mga host na pinamumunuan nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon.

“I was given the green light by the board to talk openly kasi I think we have the responsibility sa taong bayan as well. Ang daming speculations and I don’t think it will ever stop unless someone addresses this concern. So now we just want to assure the public and everyone else that we’re coming up with a more improved Eat Bulaga! Think bigger prizes, more exciting segments.”

Sinabi rin doon ni Mayor Bullet ang kanilang relasyon sa GMA, at kinumpirmang mayroon pa silang dalawang taong kontrata sa network.

Nanindigan din siya na matatag ang pananalapi o financially stable ang kumpanya taliwas sa mga tsismis. “The company is okay. We’re doing good. We can pay our talents. We can pay GMA. So wala po talagang problema when it comes to money.”

May pabirong sagot din siya tungkol sa pag-welcome sa mga bagong host sa show.

At magkakaroon daw ng improvements in terms of content. “The only thing constant in the world is change. With the change, as with life and everything in it, there’s always some sort of transformation - we have to accept that. We also need to understand that we have to adapt. We always have to adapt. And people who don’t adapt, who don’t understand, sometimes sila ‘yung naiiwan e.

“I really think the fear, it’s all about fear of change. Pagbabago. Almost 43 years, it’s so hard to see something different after 40 years being relevant,” bahagi pa ng pahayag ni Mayor Jalosjos na isa ring movie producer.

Resbak ni Sen. Tito matagal na rin nilang gustong maglabas ng mga nangyayari sa programa pero may usapan na walang magsasalita nito sa media.

Banggit ng dating pulitiko “kami, pigil na pigil kami. Ang tagal na naming gustong ilabas lahat ‘yan pero pinipigil namin, pagkatapos biglang babanatan n’yo kami ng ganyan.

“Bibitawan kami ng salitang ire-retain kami? Huh? Para namang napakakawawa namin, hindi ba? I think it’s improper. That kind of statement is improper,” pahayag pa ni tito Sen sa naunang interview.

Nagulat din diumano sila sa ‘false statements’ and ‘inaccurate’ na binitiwan ng isang miyembro ng TAPE Inc.

“We’re having this conversation because all of a sudden, one member of the corporation, an officer of the corporation, was interviewed and was not accurate.

“As a matter of fact, there were false statements that were made. So we would rather, and with the consent of Vic and Joey, that we would rather explain and elaborate or perhaps give light to what is true on some of these statements that were made. Iyon ang dahilan,” aniya pa na walang binabanggit na pangalan.

Pero nabanggit ni Mr. Jalosjos sa Fast Talk na wala silang problema pagdating sa pera.

Buwelta ni Sen. Sotto : “Ang sabi sa amin, nalulugi raw. Kailangan daw baguhin ang nagpapatakbo at kailangan daw i-reinvent ang Eat Bulaga. At meron daw mga portion na bored sila. I have the videos and statements to prove that...,” rebelasyon ni Sen. Tito.

Kinumpirma rin nito ang kumalat na kuwento na malaki ang utang ng TAPE Inc. kina Vic at Joey. “Ang laki ng utang kay Vic at kay Joey. Mahigit tig-P30 million ang utang sa kanila, for 2022 alone.”

Dagdag pa nito “Ang nirereklamo ni Vic sa amin is tinatanggalan siya ng VAT pero hindi niya natatanggap ‘yung supposed na sahod.”

Binunyag din nito na may naglahong P400 million kaya hindi pwedeng sabihing nalulugi ang programa. “Hindi puwede. Remember election year yun. Campaign period ‘yun at ang campaign ads ay napakarami. So nakakapagtaka. So sana sagutin ng TAPE kung ano talaga ang nangyari. Meron talagang P400 million na political ads that vanished. I said vanished because I didn’t know where it went.”

Binanggit din ni Sen. Sotto sa interview naman ni MJ Marfori na walang karapatan ang TAPE sa Eat Bulaga.

Aniya, mali ang pahayag na “Ang TAPE producer. Hindi sila ‘Eat Bulaga.’ Ang ‘Eat Bulaga’ iba. Bakit kamo. Why am I saying this? In 1979, we started ‘Eat Bulaga.’ Joey invented the name. Vic and I agreed. Tony Tuviera agreed. ‘Yun ang ginawa namin na it was produced by Production Specialist Incorporated. Pagkatapos ng ilang buwan, naubos and puhunan ng Production Specialist Incorporated. Ang TAPE pumasok lang noon 1981. Two years after at tumatakbo na ang ‘Eat Bulaga.’ Mali ‘yung mga kinuwento kila Boy Abunda at Cristy (Fermin).”

ALDEN RICHARDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with