532 pang bilanggo napalaya
MANILA, Philippines — May kabuuang 532 na persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula sa national penitentiary sa bansa kahapon.
Pinangunahan nina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Bureau of Corrections (BuCor) Director General, Gregorio Catapang, Jr. ang simpleng seremonya na ginanap sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Sa nabanggit6 na kabuuang bilang nang pinalaya, 315 sa mga ito ang nabigyan ng parole dahil sa good time conduct allowance (GTCA) o good behavior, 65 ang naabsuwelto sa mga kaso, 7 ang nabigyan ng probation, 1 dahil sa habeas corpus habang ang iba ay napagsilbihan na ang kanilang mga sentensiya.
Kabilang ang 75 sa mga ito mula sa maximum security compound; 122 mula sa medium security compound; 12 mula sa minimum security compound; at dalawa mula sa Reception and Diagnostic Center ng National Bilibid Prison.
Kabilang din ang 20 mula sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte; 67 San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City; 16 Sablayan Prison at Penal Farm sa Occidental Mindoro; 24 Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan; 40 Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City; 154 Davao Prison and Penal Farm sa Davao del Norte.
Bibigyan sila ng certificate of discharge from prison, grooming kit, gratuity, at transportation allowance.
- Latest