^

Metro

Mas maraming pasilidad, target maipatayo ng BJMP

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na makapagpatayo pa ng mas maraming pasilidad upang higit pang mapababa ang congestion rate sa kanilang mga piitan sa buong bansa.

Matatandaang una nang sinabi ni BJMP spokesperson Chief­Inspector Jayrex Bustinera na bumaba na sa ngayon ang congestion rate ng kanilang mga piitan sa 367% kumpara sa dating 600%, may limang taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Bustinera, sa kabila nang pagbaba na ng congestion rate, ay patuloy pa rin silang gumagawa ng mga pamamaraan upang mapaluwag pa ang mga bilangguan, kabilang na rito ang pagpapatayo ng mga bagong pasilidad sa tulong ng mga local go­vernment units (LGUs).

Aniya pa, tinitiyak din nilang ang mga kaso ng mga persons deprived of liberty (PDL) na nasa kanilang pangangalaga ay naiko-coordinate sa mga hukuman upang mapalaya kaagad ang mga ito.

“[Ito po ay] para mapalaya nang maaga ang ating mga PDL at ganun din po ang pag-improve ng facilities para mapalawak siya at bumaba lalo ang congestion rate,” aniya pa.

Kaugnay nito, siniguro rin naman ni Bustinera na pinaghahandaan na rin nila ang posibleng pagsulpot ng mga summer-related di­seases sa kanilang mga pasilidad.

Sumasailalim na rin aniya ang kanilang mga tauhan sa training upang tugunan ang mga natu­rang karamdaman.

Tiniyak naman ni Bustinera na sa ngayon ang mga PDLs na nasa kanilang kustodiya ay nasa maayos na kondisyon.

BUREAU OF JAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with