MANILA, Philippines — Lalarga ngayon ngayong araw ng Martes, ang taas-presyo sa gasolina at kerosene, samantalang may bawas-presyo naman sa halaga ng diesel.
Ito ay dahil sa epekto ng biglaang production cut na ginawa ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) sa halaga ng produktong petrolyo.
Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp., itataas nila ng P0.10 ang halaga ng gasolina at kerosene kada litro pero, bababa naman ng P0.40 sa kada litro ng diesel.
Ayon sa Cleanfuel, ganito rin ang kanilang ipatutupad na price adjustment sa diesel at gasolina pero hindi kasama ang kerosene.
Alas-6 ng umaga ngayong araw ng Martes April 18 ang pagpapatupad ng price adjustment sa produktong petrolyo ng naturang mga kompanya ng langis maliban sa Cleanfuel na sisimulan ang price adjustment ng alas-12:01 ng madaling araw.