^

Metro

Muntinlupa LGU, nakipagkasundo sa 4 na punerarya

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Muntinlupa LGU, nakipagkasundo sa 4 na punerarya
Pinahintulutan ng Sangguniang Panlungsod si Mayor Ruffy Biazon na pumasok sa isang memorandum of agreement sa apat na funeral parlors upang maghanda para sa recovery, processing, at  disposal  ng mass casualties sakaling tumama ang napakalakas na lindol o iba pang natural na kalamidad.
Interaksyon / File

Paghahanda raw sa ‘The Big One’

MANILA, Philippines —  Ngayon pa lang ay dumiskarte na ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa para paghandaan ang pagtama ng tinatawag na ‘The Big One’ sa pamamagitan ng mga kasunduan sa apat na punerarya.

Pinahintulutan ng Sangguniang Panlungsod si Mayor Ruffy Biazon na pumasok sa isang memorandum of agreement sa apat na funeral parlors upang maghanda para sa recovery, processing, at  disposal  ng mass casualties sakaling tumama ang napakalakas na lindol o iba pang natural na kalamidad.

“Preparation is key when dealing with natural disasters,” ani  Biazon.

“The immediate processing of mass casualties is essential to ensure the safety of survivors as well as to facilitate the grieving process,” dagdag pa niya.

Inaprubahan ng Sanggunian ang Resolution 217 hanggang 220, series of 2023, na nagpapahintulot sa Pamahalaang Lungsod na pumasok sa isang kasunduan sa Lim De Mesa Funeral Parlor-Putatan, Lim De Mesa-Bayanan, King Harold Funeral Parlor sa Bayanan, at Eastern Funeral Services sa Alabang.

Kung sakaling magkaroon ng malaking sakuna, lalo na ang inaasahang magnitude-8.0 na lindol na naka­sentro sa West Valley Fault system, ang mga funeral parlor na ito ay tutulong sa pagkolekta, pag-iingat, pag-iimbak, at pagtatapon ng mga bangkay, nang walang gastos sa Pamahalaang Lungsod.

Ang Muntinlupa ay napapalibutan ng West Valley Fault mula hilaga hanggang timog. Tumatakbo sa buong kahabaan ng lungsod, ang fault line ay bumabagtas sa halos lahat ng siyam na barangay ng lungsod.

Natukoy ng mga eksperto na ang West Valley Fault ay overdue na para sa nakatakdang paggalaw nito, na dahilan ng pag-aalala dahil maaaring mangahulugan ito ng isang lindol na posibleng mas malakas.

Upang mabawasan ang  mga posibleng masawi, ang Muntinlupa ay nakikilahok sa mga regular na drills na kinasasangkutan ng iba pang local government units at national agencies para mahasa ang kanilang kahandaan sakaling magkaroon ng tinatawag na “The Big One”.

THE BIG ONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with