^

Metro

DOTr ipagpapaliban LRT, MRT fare increase; idadaan sa pag-aaral

James Relativo - Pilipino Star Ngayon
DOTr ipagpapaliban LRT, MRT fare increase; idadaan sa pag-aaral
Commuters board and get off at Light Rail Transit coaches at various stations last November 2022
The STAR/Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-postpone ng dagdag pasahe sa mga linya ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) system, ito habang ipinangangako ang mga pag-aaral pagdating sa magiging epekto nito sa mga pasahero.

Ito ang ibinahagi ni Transport Secretary Jaime Bautista, Martes, alinsunod sa utos ni Bongbong kaugnay ng economic impact ng nabanggit sa mga mananakay.

"In compliance with the president's instruction, we will thoroughly study how a fare hike today will impact on passengers of our three rail lines in Metro Manila, " ani Bautista sa isang pahayag.

Dagdag pa ng kalihim, dinefer din ang dagdag pasahe sa MRT-3 dahil sa "infirmities in complying with the requirements and procedure."

Sa kabila nito, sinabi naman ng DOTr na inendorso na ng kanilang rail regulatory unit (RRU) ang ulat na pumapabor sa fare increase sa LRT Lines 1 at 2. Pinangungunahan ni Bautista ang RRU at maaaring ibasura o aprubahan ito.

Taong 2015 pa nang huling magpatupad ng fare hike sa LRT-2 at MRT-3. Isinapribado ang LRT-1 noong parehong taon ngunit lagi't laging nade-defer ang kanilang inihahing fare hike adjustments simula pa 2016.

Pinapayagan ng gobyerno ang operator ng LRT-1 na Light Rail Manila Corp. na mag-apply ng adjustments na hindi bababa sa 10.25% kada dalawang taon simula nang maging epektibo ang kanilang kontrata.

Paliwanag ni Bautista, planong gamitin ang fare increase sa pagpapahusay ng technical capability, serbisyo at pasilidad ng mga linya.

"The fare increase will enable the two rail lines' [LRT-1 and LRT-2] to improve their services, facilities and technical capabilities, " sabi ng DOTr official.

"The fare adjustment will help sustain the two commuter rail lines' affordable mass transport services."

Itinutulak ngayon ang fare increase at pagbabawas sa subsidyo ng gobyerno sa LRT at MRT kahit na aprubado na ng Konggreso ang pondo nito para sa 2023.

Una nang binantan ng mga progresibong grupo ang naturang hakbang lalo na't plano itong gawin sa gitna ng mataas na inflation rate at presyo ng mga bilihin, bagay na nangyayari habang nakapako lang sa hanggang P570 ang arawang minimum wage sa Metro Manila.

Puna tuloy ng mga grupo, lalo lang magiging hindi abot-kaya sa karaniwang tao ang pampublikong transportasyon imbis na maging serbisyo sa tao.

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with