Matataas na opisyal ng PNP dawit sa illegal drug ops ni Mayo, tinukoy ni Abalos

Kaugnay nito, hiniling din ni Abalos sa mga naturang pulis na magsumite na ng leave of absence habang iniimbestigahan ang kaso.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinangalanan na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na umano’y sangkot sa illegal drugs operation ni Police M/SGt Rodolfo Mayo Jr.

Sa isang pulong balitaan kagabi, tinukoy ni Abalos ang mga opisyal na sina PLtGen. Benjamin Santos, dating deputy chief for operations ng PNP; PBGen Narciso Domingo, direktor ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEG); PCOL Julian Olonan, hepe ng PDEG- SOU 4A; PCapt Jonathan Sosongco, head ng Arresting Team SOU-4A; PLtCol Arnulfo Ibañez, OIC PDEG SOU NCR; PMaj Michael Angelo Salmingo, deputy PDEG SOU NCR; PLT Glen Gonzales ng QCPD; PLT Asgrap Amerol, Intel Officer PDEG; PLtCol Harry Lorenzo III, ng Manila Police District (MPD Moriones Police Station; PCapt Raldolph Piñon, Chief Intel Section PDEG SOU 4A; PMSGT Lorenzo Catarata; PSMS Jerrywin Rebosora; PSSG Arnold Tibay at Patrolman Peter Gular.

Kaugnay nito, hiniling din ni Abalos sa mga naturang pulis na magsumite na ng leave of absence habang iniimbestigahan ang kaso.

Show comments