^

Metro

Kelot nagwala sa istasyon ng MRT, inaresto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kelot nagwala sa istasyon ng MRT, inaresto
Sa ulat ng Que­zon City Police District (QCPD) - Masambong Police Station (PS 2), na pinamumunuan ni P/LtCol Resty Damaso, kinilala ang suspek na si Guia Sumiling, 50, at residente ng San Jose, Montalban, Rizal.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang ­inaresto ng mga pulis matapos na manggulo sa istasyon ng Metro Rail Transit Line (MRT-3) sa Quezon City, kamaka­lawa.

Sa ulat ng Que­zon City Police District (QCPD) - Masambong Police Station (PS 2), na pinamumunuan ni P/LtCol Resty Damaso, kinilala ang suspek na si Guia Sumiling, 50, at residente ng San Jose, Montalban, Rizal.

Sa imbestigasyon, nabatid na dakong alas- 4:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa southbound lane ng MRT-3 North Avenue Station sa Quezon City.

Nauna rito, sumakay ang suspek sa naturang train station ngunit nairita nang hindi basahin ng makina ang kanyang beep card kahit ilang ulit na niya itong ipinasok.

Sa halip naman umanong manghingi ng assistance sa guwardiya, nagwala ang suspek at inihagis ang kanyang helmet at bag sa beep card machine, sanhi upang magdulot ng takot sa ibang commuters.

Kaagad namang nilapitan ng guwardiya ang suspek at tinangkang payapain ngunit nagsisigaw umano ang suspek at ipinahiya ang guwardiya at ang ma­nagement.

Mabilis din namang rumesponde ang mga duty Police Officers sa lugar at inaresto ang suspek, na sasampahan ng mga kasong Alarms and Scandals at Unjust Vexation sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Pinuri naman ni QCPD Director PBGen. Nicolas Torre III ang kanyang mga tauhan sa maagap na pag­responde sa insidente.

ARESTO

MRT3

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with