US Ambassador to the Philippines at Mayor Joy, lalo pang pinagtibay ang ugnayan ng America at Lokal na Pamahalaan

MANILA, Philippines — Bumisita si US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson sa Quezon City Hall para sa isang pagpupulong.

Sinalubong siya ni QC Mayor Joy Belmonte at mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod kung saan binigyan ito ng honorary welcome.

Kabilang sa mga tinalakay sa pagpupulong nina Carlson at Belmonte ay ang gaga­wing pagtulong ng Amerika sa Quezon City lalo na sa usapin ng pagtugon sa COVID-19, digitalization ng mga serbisyo at paniniguro sa pagbaba ng serbisyo sa mga mamamayan nito.

Bumilib naman ang US Ambassador dahil ipinakita ni Belmonte ang iba’t ibang programa ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng kanyang pamumuno na nagpasigla sa kabuhayan at ekonomiya ng lungsod.

Tiniyak naman ni Carlson na nakahanda ang United States of America na sumuporta sa mga Local Government Units upang malalakas ang social services sa taumbayan.

Show comments