Pamamaril sa Taguig: Lalaki utas, 7-anyos nasapol ng ligaw na bala
MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang lalaki nang limang beses paputukan ng ‘di pa tukoy na gunman, habang sugatan ang isang bata na naglalaro sa kaniyang tabi sa Taguig City, kahapon ng umaga.
Inaalam pa ang pagkilanlan ng nasawing biktima na inilarawang nakasuot ng itim a long sleeve at maong na pantalon.
Ang suspek ay isa umanong lalaki na armado ng ‘di pa tukoy na kalibre ng baril.
Isang 7-taong gulng na kinilalang si Joshua Martonia, residente ng lugar, ang nagtamo naman ng stray bullet sa kaliwang pulso (wrist) at isinugod sa Taguig-Pateros Hospital.
Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police, dakong alas-7:30 ng umaga ng Marso 26 nang maganap ang insidente sa Purok 9 PNR Site, Western Bicutan, Taguig City. Habang naglalaro umano ang bata sa tabi ng lalaking biktima nang biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ito.
- Latest