MANILA, Philippines — Swak na sa kulungan ang isang babae na may siyam na warrant of arrest at posibleng hindi na muling makagala dahil sa ‘no-bail recommended’ sa kinakaharap nitong kaso ng syndicated illegal recruitment.
Natunton sa kanyang pinagtataguan sa Alabang, Muntinlupa City, si Catherine Sioson, 42.
Pinuri naman ni National Capital Region Police Office Chief, P/Major General Edgar Alan Okubo ang mga operatiba ng Regional Intelligence Division Anti-Carnapping Task Group para sa matagumpay na pagdakip sa akusado.
Ayon sa mga ulat, nagsagawa ng intel driven operations ang mga operatiba ng RID ACTG kaugnay sa standing warrant of arrest para sa syndicated illegal recruitment na inisyu noong Enero 15, 2019 Judge Ariel Palce, Presiding Judge, Regional Trial Court Second Judicial Region, Cauayan City, Isabela, na walang kaukulang piyansa.
Nang beripikahin pa sa pamamagitan ng pinahusay na PNP E-Warrant system, natuklasan na may walo pang warrant of arrest na nakabinbin laban kay Sison.